Friday, February 15, 2008

Christ the King


Isinilang sa isang sabsaban,saksi ang mga hayop sa Kanyang kapanangakan.Dinalaw ng mga pastol na aba,Pinarangalan Siya ng kanilang presensya.Hinandugan ng mga alaymula sa mga dayuhan, hindi mula sa Kanyang kababayan.Pinalaki sa abang buhay ng karpintero,Ang Kanyang mga setro’y mga pait at martilyo.Pinutungan ng korona,Na gawa sa matitinik na sanga, Ang Kanyang kapa’y mula sa magaspang na purpurang balabal ng isang kawal.Iniluklok sa isang burol,Ang Kanyang trono’y isang kahoy na krus.Ngunit higit sa lahatSiya’y naghahari magpakailanman,Ang Kanyang Kaharian ay ang ating mga pusoat ang sandaigdigan


By:Kirk Balazuela